Walong Diwata ng Pagkahulog by Edgar Calabia Samar
My rating: 4 of 5 stars
Isa itong kwento tungkol sa isang kwentistang nag-kukwento ng kanyang kwento.
Iba’t ibang paksa ang madadaanan ni Daniel (ang bida… o siya nga ba?) habang siya’y nag-tatalambuhay: pagbabasa, panunulat, pag-ibig, pagkakaibigan, pulitika, relasyon, pamilya, pag-iisa, pilosopiya at pag-hahanap. (Sa totoo lang, marami talagang paksa siyang mapag-usapan.) May mga elemento rin ng mga alamat at mito (gaya ng diwata, dwende at tiyanak).
Medyo mahirap basahin ang librong ito. ‘Di na bale ang talinhaga, pero…
– Una, pabalik-balik si Daniel sa kanyang mga kwento; maaalala niya ang kanyang nakaraan sa gitna ng pag-tatala ng kanyang kasalukuyan.
– Ikalawa, maraming pilosopiya ang nakaukit sa mga pahina nito. Mahihirapan ang isang mambabasa sa librong ito kung hindi siya mahilig sa pag-iisip ng *sobrang* malalim.
– Ikatlo, nag-iiba ang kapanahunan ng mga pandiwa paminsan-minsan. (Translation: verb tenses change every so often.) May pagkaimportante ito, kaya mabuti na siguro itabi muna ang pagiging Grammar Nazi kung may plano mang basahin ang librong ito.
– Ikaapat, dapat bukas ang kaiisipan para sa iba’t ibang ideya na ipepresenta ng librong ito. Baka mainip o mayamot ka lamang kung hindi mo gagawin ito.
Kung hindi naman problema ang mga isinaad ko, sige lang. Nag-kukwento na si Daniel. Hayaan mong mamangha ka sa kanyang mga salita.