Ina, Maybahay, Anak At Iba Pa by Liwayway A. Arceo
My rating: 4 of 5 stars
Gaya nang makatotohanang kwento sa Ang Mag-Anak na Cruz: Katha na Pumapaksa sa Pagpapahalagang Pilipino (na tipon ng katha mula sa parehong manunulat), and Ina, Maybahay, Anak at Iba Pa ay koleksyon ng maiikling kwento ukol sa ilang magkakaibang katauhan (na siya tilang laging may umiibig), at nagpapakita ng iba’t ibang klase ng sitwasyon at paggalaw ng iba’t ibang kababaihan (sa partikular) na kabilang sa iba’t ibang antas ng buhay.
Hango sa daigdig ng reyalidad, ang mga kwento rito ay hindi laging masaya (bagaman may ilan din na ganoon nga ang tema). Mayroon ditong simple at nakakatuwa, mayroon ding malalim at kahindik-hindik. Mayroon ditong babaeng nagmamay-ari ng yate, mayroon din namang babaeng nag-himagik bilang rebelde. Iba’t ibang buhay, ngunit pawang nag-tatampok sa iba’t ibang kaugalian ng tao, lalo ng kababaihan– mula sa pisikal (pagiging empleyado, pagiging maganda, etc) hanggang sa emosyonal (lungkot, saya, pag-ibig, hinanakit).
Simple at makatotohanan. Makabuluhang pagbabasa para sa’kin.