Ang bawat isang kwento rito, bagaman may sukat na hindi lalampas sa 150 na salita, ay mayroong natatanging paksa at istorya. Bawat isa sa kanila’y buo sa kanilang sarili. Nakakapagtaka at nakakatuwa, pero totoo.
Medyo may pagkalalim din ang mga salitang ginamit dito; kinailangan ko pang gumawa ng sarili kong talasalitaan n.n; Sa tingin ko, bawat isang salita’y maingat na pinili para makumpleto ang mga eksenang inihain sa’ting mga mambabasa, kaya nararapat lamang din siguro na alamin natin (kahit papaano) ang tunay na kontekstong nais ipahayag ni Balde. Tila nga’t tula na ang mga teksto sa librong ito sa sobrang makabuluhan nila– at ng bawat isang salita nila.
May pagkatakutin ako (gaya ng sinabi ko sa aking pag-rerebyu ng librong Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan), kaya ngayon, lalo’t sa gabi, tumataas ang aking balahibo tuwing naaalala ko ang mga kwento ng kababalaghan ni Balde.
Isang napakaintelektwal at nakababagbag-damdaming basa.
100 Kislap by Abdon Balde Jr.
My rating: 5 of 5 stars
(Unang inilathala nang Marso 14, 2011)