Kahit walang nag-sasalita rito, damang-dama mo ‘to, pramis! Tila ipapasakay sa roller coaster ang mga emosyon mo– iiyak ka, tatawa ka, magagalit ka, gugulong-gulong at mag-oover-da-bakod pa!
Pero hindi lang ito mga kwento ng lungkot at saya; may mga isyu rin gaya ng pag-ibig, pag-hahanap ng sarili, at pagiging kuntento. Minsa’y may elemento rin ito ng pantasya at alamat, pero halos lahat nito’y nag-mistulang napakatotoo sa’kin.
Sarap ulit-ulitin.
12 by Manix Abrera
My rating: 5 of 5 stars