Mga Kuwento ni Lola Basyang by Severino Reyes
My rating: 5 of 5 stars
1. Maganda ang mga litrato sa librong ito. (Kung may oras ako, magdadagdag ako ng mga piktyur ng mga nilalaman.)
2. Isa o dalawang kwento lamang dito ang pamilyar sa akin.
3. Nakakatuwa at simple lamang ang estilo ng pagkukwento rito.
4. Laging may aral sa dulo ng bawat kwento. Ang mga aral ay mula sa pagiging mabait at matiyaga, hanggang sa pagiging isang mabuting kaibigan at sa pag-kilala sa kalakasan ng kababaihan.
Nalungkot lang ako sapagkat naubusan agad ako ng mga pahinang babasahin pa, pero ang sarap balikan ng mga kwento ni Lola Basyang 🙂