Sa kakaunting salita lamang, andaming misteryong magbabalandra sa harap mo.
Sa ‘sangdaang kwento, marami kang madadaanang klase ng panunulat. May kwento ng pag-ibig, paghahanap, pagpapasákit, pananaginip. May kwento ng lungkot, ligaya, takot, pantasya.
Sa ‘sandaang salita, buo na ang diwa – at mayroon ka pang mananamnam na aral habang pinapagpag ang natirang mahika sa mga salita.
PS: Dapat lang yatang basahin ang mga paunang salita mula sa mga pamamatnugot. Doon nila ipinapaliwanag ang kanilang *mga* layunin sa paggawa ng ganitong klaseng libro.
PPS: Natuwa rin ako sa maiikling biograpiya ng mga manunulat. (Mahahanap ito sa mga huling pahina.)
{100 na salita}
Dadaanin by Alwin C. Aguirre
My rating: 5 of 5 stars